Akong makasalanan, Puno ng kasamaan, Tinubos nang mabuhay At sa langit matahan; Ako ay Kanyang tunay, At Siya'y akin naman.
O! dakilang pag-ibig, Mataas kaysa langit, Sa kalalima'y higit Sa malalim na tubig; Hinanap akong pilit, Iniligtas sa sakit.
Ang aking kahirapan ay Kanyang nalalaman, Sa kapanginiban man Ako'y iniingatan; Ang lahat ko sa buhay Kay Jesus inyaalay.